^

Metro

Jailbreak: 6 pumuga

-
Upang di masibak sa kanyang puwesto, tinangka umanong itago ng isang station commander ng Western Police District (WPD) ang pagtakas ng anim na preso kasunod ng isang ‘jailbreak’ na naganap kamakalawa ng madaling-araw sa Meisic Police Station 11 sa Binondo, Manila.

Ito ang nakumpirma ng mga mamamahayag ng WPD-Press Corps makaraang kapanayamin ang ilang preso na hindi kasama sa pagtakas ng naturang bilang ng preso sa kabila ng mariing pagtanggi ni Meisic Police Station 11 P/Supt. Juanito de Guzman na walang naganap na pagtakas ng mga bilanggo.

Nabatid na ikinatwiran ni de Guzman na kaya hindi nailagay sa blotter ng pulisya ang insidente ay dahil hinihintay pa nito na mahuli ang mga nakatakas na preso.

Habang isinusulat ang balitang ito, dalawa na ang naaresto at naibalik sa kulungan ng mga tauhan ni de Guzman at kinilala ang mga ito na sina Alfie Corpin, 19, ng Area A Parola Compound, Tondo at Garry Balonga, 18, ng #1525 Area B Parola Compound, Tondo, habang dalawa pa na nakilalang sina George Halipes, 25, ng Bldg. 2, Katuparan Village, Vitas, Tondo at Richard Quintos, 24, may asawa, ng Dasan St., Quiapo, ang kasalukuyang tinutugis ng pulisya.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay natakasan na rin ng bilanggo si de Guzman na nagresulta ng pagkatanggal nito bilang hepe ng naturang istasyon ng pulis at nailipat sa ibang istasyon. (Ulat ni Ellen Fernando)

ALFIE CORPIN

AREA A PAROLA COMPOUND

AREA B PAROLA COMPOUND

DASAN ST.

ELLEN FERNANDO

GARRY BALONGA

GEORGE HALIPES

GUZMAN

KATUPARAN VILLAGE

MEISIC POLICE STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with