Biyahe sa NAIA nakansela dahil sa nag-overshoot na eroplano
January 19, 2002 | 12:00am
Isang commercial aircraft ang nag-overshoot sa runway 06-24 na naging dahilan para pansamantalang magsara ang operasyon ng international at domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos magsagawa ang piloto nito ng emergency landing sa NAIA kahapon ng hapon.
Walang iniulat na nasaktan sa nasabing aksidente habang sinusulat ang balitang ito pero pansamantalang sinuspinde ang lahat ng flights.
May 18 incoming at outgoing international flights ang hindi nakarating samantalang ang PAL PR-731 galing Bangkok na dapat lumapag sa NAIA ay bumalik sa nasabing bansa.
Napag-alamang may mga na-divert na flights sa mga domestic airport sa bansa.
Dakong alas-3:45 ng hapon nang biglang magdesisyon si Capt. Lorenzo Reina na ibalik ang eroplano nito sa NAIA ilang minuto matapos siyang mag-take-off papuntang Masbate dahil nagka-problema ang hydraulic system ng eroplano.
Ang eroplano na may RPC #3888 ay pag-aari raw ng Laoag Airlines.
Bukod kay Reina, kasama rin nito sa eroplano ang isang JV dela Cruz, 3 crew at tatlong pasahero.
Nabuhara ang kanang gulong ng eroplano sa mabuhanging bahagi ng runway.
Nagtulung-tulong ang mga rescue operation team para maalis sa lalong madaling panahon ang eroplano. (Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended