1 todas sa duwelo ng trike driver at karpintero
January 19, 2002 | 12:00am
Anim na bala ang tumapos sa buhay ng isang 46-anyos na karpintero matapos na pagbabarilin ng isang tricycle driver makaraang magduwelo dahil lamang sa pagtatalo sa parking kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Manila.
Hindi na umabot ng buhay sa Sampaloc Hospital ang biktimang si Rolando Sarmiento, may asawa, ng #924 Norma St., Sampaloc.
Agad namang naaresto ng mga nagrespondeng kagawad ng Western Police District ang suspect sa pamamaril na si Harold Cariaso, 22, binata, ng #821 Maria Luisa St., Sampaloc.
Sa isinagawang pagsisiyasat ni SPO1 Virgo Ban Villareal, may hawak ng kaso, dakong alas-10:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa tapat ng bahay sa panulukan ng #2016 Mindanao Ave. at Ma. Luisa St.
Nauna rito, habang nag-iinuman umano ang biktima at ilang kaibigan sa nasabing lugar ay dumating si Cariaso at ipinarada ang kanyang tricycle sa tapat ng mga ito.
Dahil dito, agad na sinita ng biktima ang suspect dahil sa nakakabara umano sa daan ang kanyang tricycle subalit nagkaroon ng mainitang pagtatalo na agad namang naawat ng ibang kasamahan ng una. Umalis naman agad ang suspect dala ang kanyang tricyle at umuwi sa kanilang bahay.
Matapos ang isang oras, nalasing si Sarmiento at nagpasya itong magtungo sa Ma. Luisa St. malapit sa tirahan ng suspect. Nagkapanagpong muli ang dalawa hanggang sa kumuha ng baril si Cariaso habang armado naman ng patalim si Sarmiento.
Ayon sa suspect, nauna umanong sumugod ng saksak si Sarmiento kaya napilitan siyang paputukan ang biktima ng sunud-sunod. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended