^

Metro

Strunk kakasuhan ng extradition treaty

-
Bagaman walang magagawa ang pamahalaan sa paglabas ng bansa ni Rod Lauren Strunk, asawa ng pinatay na aktres na si Nida Blanca, tiniyak ng National Bureau of Investigation na sa pamamagitan ng extradition treaty sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas ay hindi makakatakas ito kapag napatunayan na sangkot ito sa pagpatay sa kanyang asawa.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni NBI director Reynaldo Wycoco na sa pamamagitan ng extradition treaty ay madaling maibabalik si Strunk sa bansa bagaman magtatago ito kung siya ay kailangan na para sa ikalulutas ng Blanca murder case.

Inamin naman ni Wycoco na wala silang magagawa kung naisin ni Strunk na umalis at magtungo sa Estados Unidos.

Sa liham na isinumite ng abogado ni Strunk na si Atty. Noel Lazaro ng Siguion-Reyna Law Office, ipinaalam sa NBI na aalis si Strunk patungo sa US upang dalawin ang kanyang ina na kasalukuyang nakaratay at binibilang na lang ang oras nito dahil sa sakit na leukemia.

Gayunman, nangako si Strunk na babalik sa bansa upang maayos ang kaso ng kanyang asawa at nagbigay din ito ng kanyang mga address doon upang patunayan umano na hindi siya umiiwas sa kaso.

Sinabi pa ni Wycoco na sa kasalukuyan ay wala pang breakthrough sa Nida murder case bagaman nagpahayag ang ilang source sa NBI kamakailan na kaya nilang malutas ito bago sumapit ang buwan ng Pebrero.

Samantala, itinanggi ni Wycoco na ikokonsidera nila ang anumang anggulo na manggagaling sa isang psychic matapos lumabas sa ibang pahayagan ang ulat na ito. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ELLEN FERNANDO

ESTADOS UNIDOS

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NIDA BLANCA

NOEL LAZARO

REYNALDO WYCOCO

ROD LAUREN STRUNK

SIGUION-REYNA LAW OFFICE

STRUNK

WYCOCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with