^

Metro

Opisyal ng CPD patay sa banggaan

-
Namatay na kahapon ng umaga si Central Police District (CPD) Deputy District Director for Operations Sr. Supt. Cesar Elenzano dahil sa tinamong malaking sugat sa ulo matapos na sumalpok ang kanyang sinasakyang kotse sa isang L-300 van, sa Pasig City.

Sinabi ni Dra. Rosalyn Sarmiento, na binawian ng buhay si Elenzano dakong alas-11:18 ng umaga habang nasa Intensive Care Unit (ICU) ng Medical City Hospital sa Mandaluyong City. Isang malaking biyak sa ulo ang naging sanhi umano ng kamatayan nito na halos ikaluwa ng utak nito.

Idineklarang ligtas naman ng mga doktor ng naturang pagamutan ang kanyang driver na si PO2 Honorato Quintero, 29, nakatalaga sa CPD office, maging ang nakabangga sa kanila na si Ruel Livado, ng No. 141 Maya St., Unit V. Commonwealth, Quezon City.

Sa ulat ni SPO1 Sixto Paulino, ng EPD Traffic Management Unit, naganap ang aksidente dakong alas-9:30 kamakalawa ng gabi sa panulukan ng Julia Vargas Ave., at Rodriguez Lanuza Ave., sa Brgy. Ugong, Pasig.

Nabatid na binabagtas nina Elenzano sakay ng kanyang Nissan Sentra na minamaneho ni Quintero ang kahabaan ng Lanuza Ave. nang salpukin sila ng Mitsubishi L-300 van (WLC893) na minamaneho naman ni Livado na patungo namanng C-5 road.

Dahil sa lakas ng banggaan, nabatid na nawasak kapwa ang unahan ng dalawang sasakyan kung saan pinakamalubhang naapektuhan ang opisyal ng pulisya na nasa kanang harap ng kanyang kotse. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

CENTRAL POLICE DISTRICT

CESAR ELENZANO

DANILO GARCIA

DEPUTY DISTRICT DIRECTOR

ELENZANO

HONORATO QUINTERO

INTENSIVE CARE UNIT

JULIA VARGAS AVE

LANUZA AVE

MANDALUYONG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with