^

Metro

Treasury bag ng US, nasabat

-
Nasabat ng Central Police District ang isang treasury warrant bag ng Estados Unidos, na tumitimbang ng 30 kilos at posibleng naglalaman ng $100-M dolyar mula sa dalawang hinihinalang umano’y treasury hunter na nadakip kahapon sa Quezon City.

Kinilala ni Supt. Pier Bucsit, hepe ng CPD-District Intelligence Investigation and Division (DIID) ang mga nadakip na suspek na sina Ret. Phil. Army Master Sgt. Alfredo Tumbaga, 58, ng Blk. 29 Lot 30, Lagro Subd. at Celco Esteban, isang civil engineer at kapitbahay ng una.

Batay sa ulat ni Bucsit, dakong ala-1:30 ng hapon nang makatang-gap ng impormasyon ang nasabing himpilan ukol sa mga nasabing suspek na noon ay lulan ng Toyota Corolla (NNY-257) dala ang mga nakumpiskang dolyares.

Dahil dito ay agad na bumuo ng follow-up unit ang mga tauhan ng CPD Station 5 upang harangin ang sasakyan ng mga suspek.

Nang maabutan ng mga pulis sa kahabaan ng Commonwealth Avenue ay agad na inusisa kung mayroong official receipt at certification receipt ang sasakyan ngunit walang naipakita ang dalawa kung kaya inimbitahan ang mga ito sa nasabing himpilan.

Nang siyasatin ang sasakyan ay namataan ng mga operatiba ang isang itim na travelling bag na may timbang na 30 kilos at may tatak na US Federal Reserve na bos no. A00010250A. (Ulat ni Jhay Mejias)

ALFREDO TUMBAGA

ARMY MASTER SGT

CELCO ESTEBAN

CENTRAL POLICE DISTRICT

COMMONWEALTH AVENUE

DISTRICT INTELLIGENCE INVESTIGATION AND DIVISION

ESTADOS UNIDOS

FEDERAL RESERVE

JHAY MEJIAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with