^

Metro

'Tulak' nakahubo habang nagbebenta ng droga, tiklo

-
Naaktuhang naghuhubad bilang pang-engganyo sa pagbebenta ng droga ang isang 36-anyos na ginang nang arestuhin kasama ang pamangking lalaki sa isang buy-bust operation na isinagawa kamakailan sa Makati City.

Nakakulong ngayon sa Makati City Jail ang mga suspect na sina Minerva Martin, 36, walang trabaho, at ang pamangkin nitong si Roderick, 18, kapwa nakatira sa #9232 Pateros St., Brgy. Olympia, ng lungsod na ito.

Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Rey Momoracion ng Drug Enforcement Unit (DEU), Makati City Police, nagsagawa sila ng buy-bust operation sa nabanggit na lugar matapos makatanggap ng impormasyon mula sa kanilang asset na ang magtiyahing suspect ay "nagtutulak" umano ng shabu sa nabanggit na lugar.

Nabatid na habang nagbebenta ng droga ang ginang, naghuhubad ito ng kanyang saplot upang makaakit ng mga sugapa na bibili ng droga.

Dakong alas-8:30 ng gabi nang isagawa ng mga kagawad ng DEU ang anti-drug operation sa bahay ng mga suspect matapos mapag-alaman na positibong nagbebenta ng shabu.

Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 6425, Sec. 16 o Illegal Drug Act ang mga suspect sa Makati City Prosecutor’s Office. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

DRUG ACT

DRUG ENFORCEMENT UNIT

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY JAIL

MAKATI CITY POLICE

MAKATI CITY PROSECUTOR

MINERVA MARTIN

PATEROS ST.

REY MOMORACION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with