Abenina wala raw alam sa Cervantes murder
January 16, 2002 | 12:00am
Humarap kahapon sa tanggapan ng Southern Police District Office (SPDO) si dating Land Transportation Office (LTO) chief, Ret. Gen. Edgardo Abenina, isa sa isinasangkot sa pagpatay kay Young Officers Union (YOU) spokesperson Lt. Baron Cervantes.
Sa naging pahayag ni Abenina ay mariing itinanggi at pinabulaanan nito na may kinalaman siya sa pagpaslang. Si Abenina ay humarap at nagbigay ng kanyang paliwanag dakong alas-10 kahapon ng umaga.
Matatandaan na si Cervantes ang isa umano sa nagbunyag ng ilang anomalya sa LTO noong panahon na si Abenina ang hepe nito.
Samantala, pinabulaanan ni Supt. Rafael Cardeno na may kinalaman siya sa pagpaslang kay Cervantes.
Ayon dito, hindi muna siya humarap sa pulisya dahil ayaw niyang pagpiyestahan ng media at masalang sa trial by publicity. Handa rin umano siyang sumailalim sa imbestigasyon hinggil sa naturang kaso. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am