PUJ inararo ng truck; med prof todas, 14 sugatan
January 16, 2002 | 12:00am
Isang 43-anyos na maestra ng medisina ang namatay habang 14 pa ang sugatan makaraang mahagip ng rumaragasang trailer truck ang isang pampasaherong jeep habang tumatawid sa kanto ng San Andres at South Super Highway sa San Andres, Maynila, kahapon ng umaga.
Ang biktima na agad na namatay sanhi ng malalaking sugat sa ulo ay nakilalang si Dr. Josefina Eduarte, teacher ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) habang agaw-buhay naman ang isa pang biktimang nakilalang si Maria Paulino Reyes na hanggang ngayon ay wala pa ring malay sa Ospital ng Maynila (OSMA).
Isinugod sa nabanggit na ospital bagamat walang gaanong tinamong kapansanan ang driver ng pampasaherong jeep na si Romeo Sison, 43, at mga pasaherong sina Marinette Sentas, 3; Veronica Pelone, 35; Maryjane Reyes, 23; Sonny Reyes, 18; Lea Benduan, 20; at Sheila Chavez, 26.
Samantala, hiwalay namang isinugod sa PGH ang 8-araw na sanggol na si Justine Reyes kasama pa ang ibang biktima na nakilalang sina Cristia Salazar, 18; Ronnie Bantay, 17; Joel Gaviola, 22; Zony Reyes at Alfredo Ocento, 75, na pawang nagtamo lamang ng lamog at pasa sa katawan at ulo.
Habang ang driver ng naturang truck na si Jonathan Magdaon, 37, ng Pillilia, Rizal, ay sumuko at nakakulong sa WPD-Traffic Bureau sa Port Area, Manila at sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide and multiple injuries.
Ayon sa imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng umaga kahapon sa nabanggit na intersection sa San Andres habang papatawid ang sasakyan na puno ng pasahero na minamaneho ni Sison.
Sa salaysay ni Sison, pinatakbo niya ang jeep nang magpalit ng berde ang ilaw ngunit hindi pa sila nakakatawid sa naturang intersection, napansin niya ang mabilis na pagdating ng truck. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended