^

Metro

Ebidensiya laban kay Doromal handa

-
May positibong ebidensya ang Las Piñas City Police na nagpapakita na ang nobyo ng dating child star na si Strawberry ang aksidenteng nakabaril dito sa ulo na ikinamatay nito.

Ito ang siyang pahayag ng isang opisyal ng Southern Police District kahapon.

Malaki ang tiwala ng source sa ebidensyang nasa kanilang pangangalaga na ididiin nito si John Mark Doromal sa kasong reckless imprudence resulting to homicide na kanilang isasampa sa linggong ito sa kabila ng kawalang interes ng pamilya ng nasawing child star,

Sa pagsusuri ay lumilitaw na hindi nagpaputok ng baril ang miyembro ng pamilya Picar na naunang pinagbintangan na responsable sa pamamaril sa biktima.

Higit pang pinagtibay ang anggulong ito nang maging negatibo ang pamilya Picar sa isinagawang paraffin test sa mga ito.

Ikinatwiran ng source na sapat na ang ebidensyang hawak ng SPD upang mabigyan ng merito ang kaso laban kay Doromal at masimulan ng maaga ang pagdinig dito.

Samantala ay naghain ng mosyon ang abogado ni Doromal sa Prosecutors Office ng Las Piñas City na humihiling na isantabi muna ang kasong attempted murder na isinampa ng pamilya Picar laban dito.

Sinasabi ng abogado ni Doromal na kailangan munang isantabi ang nabanggit na kaso dahil hindi pa tapos ang imbestigasyon sa krimeng naging dahilan ng pagkakasawi ni Strawberry. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

CITY POLICE

DOROMAL

HIGIT

IKINATWIRAN

JOHN MARK DOROMAL

LAS PI

LORDETH BONILLA

PICAR

PROSECUTORS OFFICE

SOUTHERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with