^

Metro

5 RAM boys isasailalim sa lie test

-
Isasailalim ng pulisya sa lie detector test ang limang miyembro ng Rebolusyunaryong Alyansang Makabansa (RAM) na umano’y iniugnay sa kaso ng pagpaslang kay Young Officers Union (YOU) spokesperson, Lt. Baron Cervantes.

Ayon kay Southern Police District Office (SPDO) Director Chief Supt. Jose "Sonny" Gutierrez, nakatakdang i-lie test sina dating Land Transportation Office (LTO) chief, Ret. Gen. Edgardo Abenina; Col. Romeo Lim; Supt. Diosdado Valeroso; Supt. Rafael Cardeno at ret. Capt. Proseso Maligalig.

Layunin nito na malaman kung nagsasabi ng totoo at hindi nagsisinungaling sa kanilang pahayag ang mga nabanggit na opisyal.

Ang mga nasabing personalidad ay sinasangkot umano sa Cervantes slay.

Napag-alaman na naunang humarap sa mga imbestigador ng SPDO sina Maligalig, Lim at Valeroso sa kanilang mga pahayag ay mariing pinabulaanan ang pagkakaugnay nila sa kasong pagpatay kay Cervantes.

Samantala, sina Abenina at Cardeno ay kapwa hindi pa humaharap sa pulisya upang linawin ang pagkakasangkot nila sa nasabing kaso. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BARON CERVANTES

DIOSDADO VALEROSO

DIRECTOR CHIEF SUPT

EDGARDO ABENINA

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LORDETH BONILLA

PROSESO MALIGALIG

RAFAEL CARDENO

REBOLUSYUNARYONG ALYANSANG MAKABANSA

ROMEO LIM

SOUTHERN POLICE DISTRICT OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with