^

Metro

Lolo kinagat ang ilong nag-amok, 1 kritikal

-
Isang 52-anyos na lolo ang nasakote makaraang mag-amok ito at mamaril ng tricycle driver na kumagat sa kanyang ilong kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Kritikal sa East Avenue Medical Center (EAMC) si Fernando Mago Villaflores, ng Holy Spirit Quezon City makaraang barilin ni Virgilio Alba ng Brgy. Holy Spirit matapos na kagatin ng una ang ilong nito at nagtamo din ng sobrang bugbog sa katawan ay nakakulong ngayon sa CPD-Station 6 sa Batasan Hills.

Ayon kay Supt. Rogelio Quilang, hepe ng CPD-Station 6, naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi nang sugurin ng biktima ang bahay ng suspect kung saan nakatira ang kaaway nitong isang alyas ‘Pablo.’

Nabatid na umaawat lamang ang lolo sa nagwawalang biktima nang mapagbalingan siya na nagresulta sa mainitang pagtatalo.

Humantong sa panggugulpi nang ang sigalot na lalo pang pinaigting nang pangangagat ni Villaflores sa ilong ng matanda.

Dahilan dito ay tuluyan nang napikon at hindi nakapagpigil ang matanda kaya’t binaril ang biktima gamit ang homemade shotgun nito. (Ulat ni Jhay Mejias)

AYON

BATASAN HILLS

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

FERNANDO MAGO VILLAFLORES

HOLY SPIRIT

HOLY SPIRIT QUEZON CITY

JHAY MEJIAS

QUEZON CITY

ROGELIO QUILANG

VIRGILIO ALBA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with