^

Metro

Mass grave natuklasan sa Sta.Mesa

-
Isang hinihinalang mass grave ng mga biktima ng summary execution o salvaging sa Maynila ang nabunyag makaraang aksidenteng matuklasan ito ng isang opisyal ng barangay kahapon ng umaga sa Sta. Mesa.

Dakong alas-10:30 ng umaga nang matuklasan ni Eduardo Cardenas isang Executive Officer ng Brgy. 637 Zone 65 ang bunton ng mga kalansay at bungo ng tao mula sa isang bahagi ng ginibang De Ocampo Memorial College.

Agad na ipinagbigay alam ni Cardenas ang natuklasan sa J.P. Laurel Police Community Precint na agad namang nagpatawag ng mga kawani ng Scene of the Crime Operation (SOCO) ng Western Police District (WPD).

Agad na itinanggi ng mga rumespondeng SOCO staff na mga biktima ng salvaging ang hindi pa batid na dami ng kalansay .

Sinabi ni PO3 Virgilio Landicho na mas matatag ang posibilidad na ang mga kalansay ay nagmula sa De Ocampo bilang bahagi ng pag-aaral ng mga estudyante dito ng Comparative Anatomy na isang major subject sa medical course.

Inamin naman ng isa sa staff ng kolehiyo na di nagpabanggit ng pangalan na mayroon silang permit sa pag-iingat ng mga kalansay at iba pang bahagi ng tao.

Sa kabila ng pagkakaroon ng kaukulang permiso ng kolehiyo sa paggamit ng mga natuklasang kalansay, ayon pa sa kinauukulan ay lumabag pa din ang mga ito sa itinakdang pamamaraan ng disposal ng mga kalansay.

Nasasaad na sa kabila na legal na pag-aari na ng paaralan ang mga kalansay ay kailangan pa rin na ilibing ang mga ito ng naaayon at hindi basta na lamang itatambak o ibabaon na parang basura lamang.

‘Maging ang mga alagang hayop na namamatay ay binibigyan ng disenteng libing, mga tao pa kaya?’ pahayag ng isa sa miyembro ng SOCO. (Ulat ni Ellen Fernando)

COMPARATIVE ANATOMY

DE OCAMPO

DE OCAMPO MEMORIAL COLLEGE

EDUARDO CARDENAS

ELLEN FERNANDO

EXECUTIVE OFFICER

KALANSAY

LAUREL POLICE COMMUNITY PRECINT

SCENE OF THE CRIME OPERATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with