^

Metro

Kidnappers ng FX driver, timbog sa pay-off

-
Hindi na nakapalag ang tatlong kidnappers kabilang na dito ang isang dating pulis nang ito ay arestuhin ng mga awtoridad habang hawak ang ransom money sa naganap na pay-off sa tapat ng isang supermarket sa Quezon City,kamakalawa ng gabi.

Ang mga suspek ay nakilalang sina dating SPO2 Saturnino Egama,44,ng Batasan Hills ; Rolando Torres,45 ng Kamuning at Daniel Escora,27 ng Marikina City.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong kidnapping na isinampa ng biktima na si Brian Mercado,31,FX driver at residente ng Camarin,Caloocan City.

Sa imbestigasyon ng pulisya,kinidnap ang biktima noong Biyernes ng alas-3:30 ng hapon ng mga suspek sa Phase 3-B, Camarin.

Nag-text ang mga suspek sa asawa ng biktima na si Helen Mercado na sinabi na ito ay kanilang kinidnap at kailangang magbayad ito ng P 8,000 bilang ransom money at ang bayaran ay magaganap harap ng Big R Supermarket dakong alas-7 ng gabi.

Humingi ng tulong si Mrs. Mercado sa pulisya at ikinuwento dito ang nangyaring pagkidnap sa kanyang asawa at ang pagbabayad ng ransom.

Lingid sa mga suspek na ang mga awtoridad ay nakapuwesto na sa lugar ng pagbabayaran ng ransom.

Dumating ang mga suspek sakay ng FX taxi (UPR-163) at nang makuha na ng mga suspek ang P 8,000 ay dito na kumilos ang mga pulis at inaresto ang mga suspek. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BATASAN HILLS

BIG R SUPERMARKET

BRIAN MERCADO

CALOOCAN CITY

DANIEL ESCORA

HELEN MERCADO

MARIKINA CITY

MRS. MERCADO

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with