^

Metro

Kinalasan ng nobya nagbigti

-
Isang 21-anyos na binata ang nagbigti nang hindi nito matanggap ang pakikipagkalas ng kanyang nobya kahapon ng madaling-araw sa Las Piñas City.

Nasawi noon din ang biktimang si Mayo Lacse, ng #33-B Aquamarine St., Emapalico Subd., Brgy. Talon 1 ng lungsod na ito.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Robert Alipalo ng Criminal Investigation Division (CID), Las Piñas City Police, dakong alas-12 kahapon ng madaling-araw nang matagpuan ang biktima ng mga kaanak nito na nakatali ang leeg ng abaca rope at nakasabit sa may beranda.

Nakita sa bangkay nito ang isang larawan ng babae na pinaniniwalaang kasintahan nito.

Bago umano naganap ang insidente, laging walang kibo, tulala at hindi kumakain ang biktima matapos hiwalayan ng nobya.

May hinala ang pulisya na hindi umano nito matanggap ang pakikipaghiwalay ng kasintahan kaya ito nagpakamatay. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

B AQUAMARINE ST.

BRGY

CITY POLICE

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

EMAPALICO SUBD

LAS PI

LORDETH BONILLA

MAYO LACSE

ROBERT ALIPALO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with