^

Metro

Mediamen ipapatawag sa Cervantes slay

-
Ipatatawag ng Southern Police District Office (SPDO) ang ilang pangalan ng mga reporter na nakaugnayan ni Young Officer Union (YOU) Lt. Baron Cervantes bago ito pinatay noong Disyembre 31, 2001 sa Las Piñas City.

Ayon sa SPD, may ilang pangalan ng mga mediamen na naka-record sa cellphone ni Cervantes at kanila itong ipatatawag upang kunan ng ilang pahayag hinggil sa naturang kaso.

Hindi ibinunyag ng SPDO ang pangalan ng mga reporter na nakaugnayan ni Cervantes na nakatakdang ipatawag at tanungin.

Naniniwala ang pulisya na may posibleng lead na makakalap sa ilang mamamahayag na kanilang ipatatawag sakaling makausap nila ito.

Samantala, nakatakdang sumipot si dating Land Transportation Office (LTO) chief Ret. Gen. Edgardo Abenina sa Lunes sa SPDO upang ipaliwanag kung bakit nasangkot ang kanyang pangalan sa Cervantes slay.

Si Abenina ay isa sa co-founder ng Rebolusyunaryong Alyansang Makabansa (RAM) ngunit hindi na bahagi ng grupo ngayon.

Pinagdududahan naman ng pulisya si Supt. Rafael Cardeno dahil sa hindi nito pagsipot noong Biyernes upang linawin ang pagkakasangkot ng pangalan sa naturang kaso. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AYON

BARON CERVANTES

EDGARDO ABENINA

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LAS PI

LORDETH BONILLA

RAFAEL CARDENO

REBOLUSYUNARYONG ALYANSANG MAKABANSA

SI ABENINA

SOUTHERN POLICE DISTRICT OFFICE

YOUNG OFFICER UNION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with