P 5M pirated VCD's nasamsam, 8 naaresto
January 12, 2002 | 12:00am
Walo katao ang naaresto kasabay ng pagkakasamsam sa tinatayang P5M halaga ng mga pirated Video Compact Discs (VCDs) ng pinagsanib na mga elemento ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at Video Regulatory Board (VRB) sa isinagawang raid sa Greenhills San Juan.
Kinilala ni PNP-CIDG Chief, P/Director Nestorio Gualberto ang mga nasakote na sina Andang Salaiman, 26; Baidz Sultan Andia, 34; Junior Sarup, 19; David Ascal 22; Kamael Sarip, 25; Hafza Talapung; Michael Sultan at Gum Daligdig.
Ang mga nabanggit ay pawang mga tindero ng naturang piniratang VCDs na may puwesto naman sa loob ng Virra Mall Shopping Center sa Greenhills.
Nabatid na ang nasabing raid sa puwesto ng mga nasakote ay nagresulta ng pagkakakumpiska ng 5,881 piraso ng mga pirated na VCDs, na umaabot naman sa nabanggit na milyong halaga.
Ang mga dinakip ay nakatakdang ipagharap ng kasong paglabag sa Sec. 6 at 8 ng Presidential Decree 1987 o sa Videogram Regulatory Board Law. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am