^

Metro

Killer ni Cervantes, sundalo

-
Mukhang sundalo umano ang bumaril at pumatay kay Young Officer Union (YOU) spokesperson Lt. Baron Cervantes.

Ito naging pahayag kahapon ng isang opisyal ng Southern Police District (SPD), na tumangging magpabanggit ng pangalan matapos ibunyag ng dalawang testigo na nasa custody nila ngayon.

Ibinunyag ng testigo na tumangging banggitin ang pangalan, na mukhang sundalo at may magandang pangangatawan ang ‘‘trigger man’’ ni Cervantes.

Kaya’t ayon pa sa source, may hinala silang may koneksiyon sa military ang pumatay sa nabanggit na YOU spokesperson.

Sinabi ng pulisya na marami na silang positibong mga lead na nakalap sa kaso ni Cervantes kaya’t tiniyak nito na sa buwan ng Enero ay malulutas na nila ang naturang kaso.

Samantala, hindi sumipot kahapon si Lt. Col. Rafael Cardeno, isang miyembro rin ng Rebolusyong Alyansang Makabansa (RAM) at kasama sa personalidad na iniuugnay sa Cervantes slay.

Ayon pa sa SPD malamang sa Lunes haharap sa kanilang tanggapan si Cardeno upang linawin ang pagkakaugnay ng pangalan nito sa kaso.

Nanawagan naman ang pulisya sa mga kaanak ni Cervantes, na isumite sa kanilang tanggapan ang gamit ng biktima na posibleng makakadagdag sa paglutas ng kaso nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BARON CERVANTES

CARDENO

ENERO

IBINUNYAG

LORDETH BONILLA

RAFAEL CARDENO

REBOLUSYONG ALYANSANG MAKABANSA

SOUTHERN POLICE DISTRICT

YOUNG OFFICER UNION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with