^

Metro

Nagkakalat ng tsismis, dinedo

-
Dahil sa pagkakalat ng tsismis, isang 38 anyos na lalaki ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang kalalakihan. Ginawan umano nito ng kuwento sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Manila Doctors Hospital si Ricardo Pascual, 30 ng Gana Compound, Balintawak Quezon City sanhi ng tinamong isang tama ng bala ng baril sa dibdib.

Habang pinaghahanap ng pulisya ang mga suspect sa nakilala lamang sa pangalang Bobby Saya at isang Joey alyas ‘‘Nognog.’’

Batay sa ulat ng CPD-Criminal Investigation Unit, naganap ang insidente dakong alas-6 ng gabi sa naturang lugar.

Nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at mga suspect dahil lamang sa umano’y ipinagkakalat na intriga ng biktima laban sa mga suspect na naging dahilan upang komprontahin ang biktima sa bahay nito at hinamon nila ng suntukan.

Ilang saglit lang ay lumabas ang biktima na armado umano ng isang samurai at hinarap ang dalawang suspect. Ngunit lingid sa kaalaman ng biktima, armado ng baril ang isa sa mga suspect kung kaya agad na sinugod ng biktima ngunit pinaputukan ng isang beses si Pascual sa kanyang kanang bahagi ng dibdib na ikinasawi nito.

Ang bangkay ng biktima ay dinala sa PNP-Crime Laboratory upang isailalim sa autopsiya. (Ulat ni Jhay Mejias)

BALINTAWAK QUEZON CITY

BIKTIMA

BOBBY SAYA

CRIME LABORATORY

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

GANA COMPOUND

JHAY MEJIAS

MANILA DOCTORS HOSPITAL

QUEZON CITY

RICARDO PASCUAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with