^

Metro

Anak ng police colonel nakatakas sa kidnaper

-
Natakasan ng isang dalaga na anak ng isang police colonel ang dalawang kidnaper na dumukot sa kanya sa isang parking area ng Shangri-La Plaza mall noong Sabado sa Mandaluyong City.

Naganap na pagdukot sa biktimang si Marie Hilario,anak ni Sr/Supt. Almario Hilario,dating provincial director ng lalawigan ng Catanduanes at estudyante ng De La Salle High School sa Greenhills.

Sa inisyal na imbestigasyon,dakong alas-8 ng gabi nang iparada ni Marie ang kanyang berdeng Honda Civic (WCE-116) sa ika-anim na palapag ng nasabing mall nang ito ay lapitan ng dalawang suspek at puwersahang pinasok sa sasakyan nilang Toyota RAV 4.

Bago mapaandar ng mga suspek ang kanilang sasakyan ay biglang bumukas ang elevator at naglabasan ang mga tao na kung saan ay hindi makaalpas ang mga kidnaper na kanilang ikinataranta.

Ito ang pagkakataon na hinintay ni Marie at tumalon ito sa sasakyan ng mga suspek at tuluyang nakatakas.

Nagsumbong sa mga awtoridad si Marie na kung saan ay siniyasat ang sasakyan ng mga suspek na iniwan sa parking area ng ika-5 palapag na kung saan ay nakuha dito ang baril na .9mm Jericho at ibat-ibang uri ng plaka ng mga sasakyan.

Lumalabas din sa pagsisiyasat na ang RAV 4 na gagamitin sana ng mga suspek ay isang carnap vehicle na pag-aari ng isang Sheila Lim ng Binondo.

Ayon kay Lim na ang kanyang sasakyan tinangay ng apat na kalalakihan habang ito ay kanyang ipinarada sa Glorietta Shopping Mall sa Makati City noong Enero 5 dakong alas-5:30 ng hapon. (Ulat ni Non Alquitran)

vuukle comment

ALMARIO HILARIO

DE LA SALLE HIGH SCHOOL

GLORIETTA SHOPPING MALL

HONDA CIVIC

MAKATI CITY

MANDALUYONG CITY

MARIE HILARIO

NON ALQUITRAN

SHANGRI-LA PLAZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with