Sanggol nabitawan ni lolo, todas
January 10, 2002 | 12:00am
Kalunos-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang sanggol na lalaki matapos na mabasag ang bungo nito nang aksidenteng mabitawan umano ng kanyang lolo kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Halos hindi makapaniwala ang suspek na si German Nosman,42 sa pangyayari nang makitang duguan ang apo niyang si Lester Ablao,isa't kalahating buwang gulang at kapwa residente ng Virginia St.,Brgy.Gulod,Novaliches sanhi ng pagkabiyak ng ulo nito.
Sa imbestigasyon ng pulisya,dakong alas-7 ng gabi ay ipinaalaga ng ina ang kanyang anak sa suspek dahil sa lalabas ito sandali at may bibilhin.
Habang karga umano ng suspek ang apo ay bigla na lamang umano itong nag-iiyak kaya naman ito ay inilapag sa papag upang ipagtimpla ito ng gatas.
Ilang minuto habang nagtitimpla ng gatas ang suspek ay narinig niya ang malakas na kalabog at iyak ng apo.
Nagmamadali itong bumalik para alamin ang pangyayari at ganoon na lamang ang pagkamangha nito nang makita ang apo na duguan ang ulo.
Subalit lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na ang sanggol ay hindi nahulog sa papag kundi napalakas umano ang ginawang paglapag ng suspek sa papag na naging dahilan para mabasag ang bungo nito.
Ang suspek ay nakakulong at nahaharap sa kasong infanticide. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 18, 2024 - 12:00am