Maynila, 5 araw mawawalan ng tubig
January 9, 2002 | 12:00am
Maaari kayang maging masaya ang mga residente sa pagdiriwang ng kapistahan ng Quiapo kung sa mismong araw ng piyesta ay wala silang magamit na tubig.
Nagpalabas ng advisory si Jess Matubis ng Maynilad Waters na ngayong araw na ito ay magsisimula ang 5 araw na pagkawala ng supply ng tubig kasama na rito ang iba pang kalapit na lugar na matatapos sa Linggo(Enero 13) ganap na alas-10 ng gabi.
Ang apektadong lugar ay ang Quiapo,Divisoria,Binondo,Kalaw,Sta.Cruz Sampaloc,Sta.Mesa,San Miguel,Pandacan at Bacood pawang nasasakupan ng Maynila.
Dalawang araw rin mawawalan ng tubig ang Quezon City na magsisimula sa Biyernes (Enero 11) ganap na alas-10 ng gabi hanggang Enero 13 ng alas-10 ng gabi.
Maaapektuhan ang lugar ng mga barangay Galas,Don Manuel, San Jose,Lourdes at Isidro.
Ang pagkawala ng suplay ng tubig sa mga nasabing lugar ay dahil sa gagawing pagkakabit ng 2,000 mm pipe sa existing 1,200 mm pipeline sa kanto ng Sobriedad at Batanes St sa Maynila.
Mag-iikot naman ang water tankers ng Maynilad sa mga apektadong lugar. (Ulat ni Angie Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest