^

Metro

Vendor tinarakan habang natutulog, todas

-
Hindi na nagising sa mahimbing na pagkatulog ang isang vendor matapos na ito ay sugurin ng saksak ng isang grupo ng kalalakihan sa kanyang tahanan kahapon ng madaling araw sa Makati City.

Dead on arrival sa Ospital ng Makati ang biktima na si Eduardo Canlas,may sapat na gulang ng JP Rizal St. dahil sa mga tinamong saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

Batay sa report ng pulisya na dakong alas-12:26 ng madaling araw ay mahimbing na natutulog ang biktima nang sugurin ito ng mga suspek na hinihinalang mga sabog sa pinagbabawal na gamot.

Agad na sunod-sunod na tinarakan ng saksak ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek ang biktima sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Pagkatapos na maisagawa ang krimen ay nagsitakas agad ang mga suspek habang ilang residente ang nakakita sa paghingi ng saklolo ng biktima na nagsugod sa nasabing pagamutan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BATAY

EDUARDO CANLAS

LORDETH BONILLA

MAKATI

MAKATI CITY

OSPITAL

PAGKATAPOS

RIZAL ST.

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with