Napatunayan ng korte na ang akusadong si Rizalito Galinato, alyas Boy Muslim ng Blk. 22-A, Lot 16,Phase 2,Area 2,Dagat-dagatan,Navotas ay guilty sa salang pagpatay sa biktimang si Bonifacio Matandag, 30 ng 80 Cluster 6, Magdaragat St.
Batay sa apat na pahinang desisyon ni Judge Benjamin Antonio ng RTC branch 170 na ang pagpatay kay Matandag ay naganap noong Marso 7,1998 dakong alas-7 ng gabi sa isang basketball court nang sugurin ng saksak ni Galinato ang biktima.
Mabilis na tumakas ang suspek subalit pagkalipas ng walong buwan ay naaresto ito ng mga awtoridad.
Ibinasura ng korte ang alibi ni Galinato sa pahayag nitong siya ay nasa bahay ng maganap ang pagpatay sa biktima at maaaring mistaken identity lamang umano dahil mayroon din na alyas Boy Muslim maliban sa kanya.
Subalit mas pinaniwalaan ng korte ang pahayag ng bayaw ng biktima na si Severo Salazar na sinabi na habang kanyang dinadala sa pagamutan ang biktima ay sinabi sa kanya na ang akusado ang sumaksak sa kanya.
Bukod sa nasabing hatol na habambuhay ay inuutusan din ng korte na bayaran ang pamilya ng akusado ng halagang P 50,000 bilang danyos. (Ulat ni Gemma Amargo)