^

Metro

Pekeng NBI agent timbog

-
Isang 37 anyos na lalaki ang nadakip makaraang magpakilalang isang agent ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Idinulog kay Supt. Cecilio Aguilar hepe ng CPD-Station 2 ng mga vendors ang ilegal na gawain ni Carlos Cruz, ng Gen. Ricarte St., Doña Rosario, Novaliches na naaresto makaraang magsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng nasabing police station.

Sa reklamo ni Baby Sultan, vendor, noong pang Biyernes ng gabi ay nakapangikil na si Cruz, ng tig-P1,000 sa bawat vendors kapalit ng ibibigay niyang proteksiyon sa mga raids dahil siya ay isang NBI agent.

Nabatid pa na kinukumpiska ang mga paninda ng vendors kapag ayaw magbigay ng nasabing halaga.

Ngunit nagsimulang maghinala ang mga biktima makaraang muling mangikil ang umano’y NBI agent kinabukasan kung kaya’t napagdesisyonan ng mga ito na magsumbong na sa nasabing istasyon na agarang nagsagawa ng entrapment operation.

Naaresto si Cruz makaraang mabitag ito sa pamamagitan ng pagtanggap ng mark money na ginamit ng mga vendors bilang protection money na pambayad sa una. (Ulat ni Jhay Mejias)

BABY SULTAN

BIYERNES

CARLOS CRUZ

CECILIO AGUILAR

CRUZ

JHAY MEJIAS

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

QUEZON CITY

RICARTE ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with