^

Metro

Traffic police tinodas sa loob ng owner type dyip

-
Natagpuang patay ang isang traffic police sa loob ng kanyang owner-type jeep na may isang tama ng bala sa kanyang batok kahapon ng madaling-araw sa bayan ng San Juan.

Kinilala ang naturang bangkay na si PO3 Hilario Reyes Jr., 36, nakatalaga sa Southern Traffic Enforcement at residente ng #378 Hinahon st., Barangka Drive, Mandaluyong City.

Sa ulat ni Sr. Insp. Roel Rodolfo, Eastern Police District Operations Division, natagpuan ang bangkay ni Reyes dakong alas-5:30 ng madaling araw.

Nakahandusay at naliligo sa sariling dugo nang madiskubre ng isang nagngangalang Loriano Campo sa loob ng kanyang ower-type dyip (VAA-716) sa may #21 Xavier st., West Greenhills.

Narekober sa lugar ng insidente ang isang 9mm. Beretta na baril na may 14 na bala pa. Inaalam pa ng mga imbestigador kung kay Reyes ang naturang baril na maaaring nagawa pa nitong makabunot.

Nagsasagawa na ngayon ng mas malalim na imbestigasyon ang pulisya upang mabatid ang motibo ng pamamaslang at ang mga suspek sa likod ng krimen. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

DANILO GARCIA

EASTERN POLICE DISTRICT OPERATIONS DIVISION

HILARIO REYES JR.

LORIANO CAMPO

MANDALUYONG CITY

REYES

ROEL RODOLFO

SAN JUAN

SOUTHERN TRAFFIC ENFORCEMENT

SR. INSP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with