^

Metro

Lasalista grabe sa nagturok ng insecticide

-
Hinihinalang ang sermon ng magulang ang dahilan ng tangkang pagpapakamatay ng isang dalagang ina na istudyante ng Dela Salle University matapos itong mag-injection ng insecticide sa kaliwang braso kamakalawa ng hapon sa Makati City.

Ginagamot ngayon sa Makati Medical Center ang biktimang si Emilia Blanca, 23, dalaga, 1st year, Business Management sa St. Benilde, Dela Salle University na matatagpuan sa Taft Avenue, Manila at nakatira sa Park Square Condominium, Ayala Center ng lungsod na ito.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Jovenal Barbosa ng Homicide Section, Makati City Police, naganap ang insidente dakong ala-1:40 ng hapon sa tinitirhang condominium ng biktima.

Napag-alaman na isang dalagang ina ang biktima at nagtungo ito sa bahay ng kanyang dating live-in partner at umuwi itong malungkot.

Nabatid na bigla na lamang kinuha ng biktima ang isang lata ng Bygon, inilagay sa isang heringgilya at nag-injection sa kaliwang braso.

Mabuti na lamang nakita ng katulong na hindi nabanggit na pangalan ang nakahandusay na biktima at kaagad itong isinugod sa nabanggit na pagamutan.

Napag-alaman na pinagalitan umano ang dalaga ng kanyang magulang nang magtungo ito sa bahay ng kanyang dating live-in partner at may hinala ang pulisya na isa ito sa dahilan kung bakit nagtangka itong magpakamatay. Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ang nasabing kaso. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYALA CENTER

BUSINESS MANAGEMENT

DELA SALLE UNIVERSITY

EMILIA BLANCA

HOMICIDE SECTION

JOVENAL BARBOSA

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MAKATI MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with