^

Metro

Paliligo at paggamit sa Ilog Pasig bilang ruta bawal na

-
Bunsod ng peligrong dala ng Ilog Pasig ay ipagbabawal na ng tuluyan ang paliligo at maging ang paggamit nito bilang isang passage route.

Ito ang siyang nakasaad sa panukalang kautusan na iniakda ni sixth district Councilor Lou Velozo.

Sinasaad sa kanyang panukala na ang Ilog Pasig na dati’y paboritong pasyalan, paliguan at palipasan ng oras ay hindi na katulad ng dating matulaing lugar na madalas na gamitin sa mga obra ng kilalang manunulat sa bansa.

Ang Ilog Pasig ay larawan ngayon ng isang lagim na anumang sandali ay magdududlot ng kamatayan at sakuna sa mga hindi nakakabatid na biktima.

Sinabi ni Velozo na dahil sa ang ilog ay mayroong tinatawag na heavily silted floor ay naging tila kumunoy ito dahil sa sobrang putik na sa ilalim nito.

Dahil dito ang paliligo sa ilog ay isang delikadong gawain dahil maaaring mahigop o mabitag ang sinumang maliligo dito ng sobrang kapal na putik sa flooring at gayundin naman ng undercurrent na daloy ng tubig nito sa ilalim.

Ang sobrang dumi o polusyon sa Ilog Pasig ay maaari mang malusutan ng sinumang maliligo dito, ngunit ang long term effect nito sa balat.

Hinikayat din na ipagbawal na ang Ilog Pasig bilang passage way ng mga cargo vessel dahil sa peligrong dulot nito sa mga sasakyang pantubig. (Ulat ni Andi Garcia)

ANDI GARCIA

ANG ILOG PASIG

BUNSOD

COUNCILOR LOU VELOZO

DAHIL

HINIKAYAT

ILOG

ILOG PASIG

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with