^

Metro

NTC irereklamo sa korte dahil sa free text reduction

-
Nakatakdang magsampa ng reklamo ang grupong TXTPower laban sa National Telecommunications Commission (NTC) sa alinmang korte dahil umano sa kawalang-aksyon nito sa ginagawang pananamantala ng Smart at Globe sa ikalawang pagbabawas sa free text allocations ng mga prepaid subscribers.

Sinabi ni Anthony Ian Cruz, pangulo ng TXTPower, kakasuhan umano nila ang NTC dahil sa hindi nito pagtupad sa kapangyarihan nitong proteksiyunan ang mga consumers laban sa pagmamalabis at monopolya.

Base umano sa R.A. 7925 Section 26, meron umanong ‘‘residual powers’’ ang NTC na i-regulate ang telecommunication sector para hindi magkaroon ng monopolya o ‘‘quasi-monopoly’’ na nangangahulugang sabwatan ng mga cellphone companies.

Ang naturang batas rin umano ang nagsasaad na kailangang proteksiyunan ng NTC ang mga telecommunication consumer sa anumang pagmamalabis.

Malinaw na isinasagawa umano ng Smart at Globe ang quasi-monopoly dahil sa pareho at sabay nilang pagbawas sa kanilang free text allocations maging ang pagsingil nila ng malaki sa freetext di tulad ng sa rate ng ibang bansa.

Kasabay nito, inihayag rin ng TXTPower ang ikalawang linggo ng kanilang boycott sa Smart at Globe na nangangahulugang isang linggo na naman silang hindi gagamit ng kanilang cellphone at nanawagan sa iba pang subscribers na sumama sa kanila. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ANTHONY IAN CRUZ

DANILO GARCIA

KASABAY

MALINAW

NAKATAKDANG

NATIONAL TELECOMMUNICATIONS COMMISSION

SINABI

ULAT

UMANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with