Hindi na umabot ng buhay sa East Avenue Medical Center ang biktimang si Richard Briones, ng Mapagbigay St. Barangay Pinyahan, Quezon City sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Samantalang nilalapatan ng lunas sa nasabing pagamutan ang dalawa na nakilalang sina Ricky Valiente ng Escopa Project 4 at si Michael Bandara ng Freedom Park 3, Batasan Hills, Quezon City sanhi ng tinamong mga tama ng saksak sa ibat ibang parte ng katawan.
Lumilitaw sa imbestigasyon ng Central Police District-Criminal Investigation Unit, naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi sa panulukan ng Malakas St., Barangay Central. Nagalit ang dalawa kay Briones dahil nilinlang sila nito matapos na makuha ang halagang P36,000 ay pumuslit ng una na wala namang iniwang shabu.
Dahil dito, hinabol ng dalawa ang papalayong si Briones at agad na pinaputukan na siyang ikinasawi nito kung saan namataan naman ng mga bystanders ang mga pangyayari di kalayuan lamang sa kanilang kinatatayuan. (Ulat ni Jhay Mejias)