^

Metro

Onsehan sa droga: 1 patay, 2 kritikal

-
Isang 18-anyos na lalaki ang napatay makaraang pagbabarilin ng drug deal sa tangkang i-double cross ang mga ito samantalang dalawa pa ang malubhang nasugatan nang pagsasaksakin ng mga humabol na bystanders sa naganap na insidente sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa East Avenue Medical Center ang biktimang si Richard Briones, ng Mapagbigay St. Barangay Pinyahan, Quezon City sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantalang nilalapatan ng lunas sa nasabing pagamutan ang dalawa na nakilalang sina Ricky Valiente ng Escopa Project 4 at si Michael Bandara ng Freedom Park 3, Batasan Hills, Quezon City sanhi ng tinamong mga tama ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng Central Police District-Criminal Investigation Unit, naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi sa panulukan ng Malakas St., Barangay Central. Nagalit ang dalawa kay Briones dahil nilinlang sila nito matapos na makuha ang halagang P36,000 ay pumuslit ng una na wala namang iniwang shabu.

Dahil dito, hinabol ng dalawa ang papalayong si Briones at agad na pinaputukan na siyang ikinasawi nito kung saan namataan naman ng mga bystanders ang mga pangyayari di kalayuan lamang sa kanilang kinatatayuan. (Ulat ni Jhay Mejias)

BARANGAY CENTRAL

BATASAN HILLS

BRIONES

CENTRAL POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

ESCOPA PROJECT

FREEDOM PARK

JHAY MEJIAS

MALAKAS ST.

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with