Pinoy na killer ng asawa't biyenan tiklo sa FBI
January 5, 2002 | 12:00am
Ipinatapon kahapon ng US Federal Bureau of Investigation ang isang Filipino tourist worker na nahaharap sa mga kasong double-murder at frustrated murder batay sa bisa ng extradition treaty ng pamahalaang Amerika at Pilipinas.
Si Roberto Santiago y Salonga, 38, ay mahigpit na tinatanuran ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport, dakong alas-7 ng umaga lulan ng Philippine Airlines flight PR-103 mula sa Los Angeles.
Ayon kay Atty. Ricardo Diaz, hepe ng NBI-Interpol, si Santiago ay ipinagharap ng kasong pagpaslang sa live-in partner nitong si Sandra Bolalin at ina nitong si Gloria Bolalin na naganap sa Yangco St., Tondo, Maynila noong Agosto 4, 2000.
Ang naganap na ekstradisyon ay batay sa kahilingan ng Department of Justice sa pamahalaan ng Estados Unidos na ipinatupad ni NBI director Reynaldo Wycoco, kung saan ay napag-alamang nadakip ng FBI agents si Santiago may anim na buwan na ang nakararaan habang nagmamaneho ito sa Los Angeles, California.
Sinabi pa ni Diaz, na bagamat positibong kinilala ng testigong si Andres Bayrante na si Santiago umano ang salarin ay mahigpit namang pinabulaanan ito ng suspek.
"Hindi naman ako nagtatago at sa katunayan ay kasama ko si Sandra at ang anak naming si John Michael nang mismong ang asawa ko ang bumili ng plane ticket, kayat imposible ang ibinibintang nila sa akin, ani Santiago. (Ulat ni Butch M. Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended