^

Metro

6 paslit 'pinulutan' ng manyakis na kapit-bahay

-
Limang menor-de-edad na kababaihan at isang lalaki ang nilasing muna sa alak bago hinalay ng kanilang lasing na kapitbahay kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Ang mga biktima na may mga edad na 8 hanggang 12-taong gulang ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Women’s and Children Concerned Desk na kaagad na nagsampa ng kaso laban sa suspect na si Reynaldo Mahumot, 33, ng 130 J. Mariano St., ng nasabing lungsod.

Lumilitaw sa reklamo ng mga bata na dakong ala-una ng madaling-araw nang abusuhin sila ng suspect sa nakaparadang pampasaherong sasakyan sa harap ng bahay ng suspect matapos na lasingin sa alak ang mga ito.

Nauna rito, tinawag ng suspect ang mga bata at hinikayat na makipag-inuman sa kanyang bahay ang mga biktima.

Nang malasing ang mga bata ay isa-isa itong dinala ng suspect sa nakaparadang sasakyan sa tapat ng bahay nito saka sinamantala ang pangyayari.

Nabatid na pinaghahawakan nito ang maseselang bahagi ng katawan ng mga bata.

Matapos na matauhan ay saka humingi ng tulong sa pulisya ang mga biktima at kaagad namang nadakip ang suspect.

Kasalukuyang nakapiit ang suspect habang inihahanda ang kasong statutory rape laban dito. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CHILDREN CONCERNED DESK

GEMMA AMARGO

KASALUKUYANG

LIMANG

LUMILITAW

MARIANO ST.

REYNALDO MAHUMOT

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with