^

Metro

TF Marsha spokesman pasado sa lie test

-
Pumasa sa polygraph test si Task Force Marsha spokesman Supt. Leonardo Espina matapos na isailalim sa pagsusuri kaugnay ng paratang ni Philip Medel Jr., ang bumaligtad na self-confessed killer ng beteranang aktres na si Nida Blanca, hinggil sa umano’y may kinalaman ang opisyal sa pagkawala ng isa pang suspect sa krimen na si Michael "Mike" Martinez.

Si Espina, kasama ang maybahay nito ay sumailalim sa polygraph test noong Dis. 26 sa PNP Crime Laboratory, ay kapwa pumasa bilang pruweba umanong hindi nagsisinungaling sa kanilang testimonya sa akusasyon ni Medel.

Kapwa iginiit ng dalawa na magkasama sila mula alas-8 ng gabi noong Nob. 19 hanggang alas-8 kinaumagahan na taliwas sa sumbong ni Medel kung saan kasama umano nito sa tanggapan ng PNP-CIDG ang opisyal ng nabanggit na mga araw at umano’y bumugbog sa dinukot na si Martinez.

Si Martinez ang sinasabing "vital link" sa pagbubulgar ni Medel, ay kinidnap ng walong armadong suspect kabilang ang isang babae noong Nob. 19 sa tahanan nito sa Sun Valley Subd. sa Parañaque City.

Ayon kay Atty. Virgilio Pablico, legal officer ng PNP-CIDG, malinaw lamang umano na nagsisinungaling talaga si Medel sa pahayag nito laban kay Espina.

Idinagdag pa nito na walang karapatan si Medel upang ihayag na pinapatawad na nito ang Task Force Marsha dahil unang-una umano ay walang anumang kasalanan sa kanya ang naturang task force. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

CRIME LABORATORY

JOY CANTOS

LEONARDO ESPINA

MEDEL

NIDA BLANCA

PHILIP MEDEL JR.

SI ESPINA

SI MARTINEZ

SUN VALLEY SUBD

TASK FORCE MARSHA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with