Matandang binata todas sa 11-anyos
January 1, 2002 | 12:00am
Aksidenteng napatay ng isang 11-anyos na paslit ang isang matandang binata nang mapakialaman nito ang binabantayang tricycle at mabundol ang biktima, kamakalawa ng gabi sa Taytay, Rizal.
Hindi na umabot ng buhay sa Angono District Hospital dahil sa bali at pagkabagok ng ulo, ang biktimang si Maximino Burgos, 48, ng #2 J. Asilo St., Brgy. San Isidro, bayang ito.
Nasa pangangalaga naman ngayon ng Taytay Police ang nakabangga sa kanyang si Jeboy (di-tunay na pangalan), estudyante.
Nabatid na naganap ang insidente dakong alas-7:15 ng gabi sa may Isagani St., Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal.
Nabatid na pinabantayan ng ama kay Jeboy ang dala nilang tricycle na walang plaka sa naturang kalsada. Napakialaman ng bata ang kambyo ng sasakyan kaya tuluy-tuloy na umandar ito pabalik.
Nataranta naman ang bata at hindi na nagawa pang tapakan ang preno ng sasakyan hanggang sa bumangga ito kay Burgos. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended