Bumalik din ito makalipas ng isang araw at muling umalis noong Disyembre 28 at habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa ito bumabalik sa kanyang kulungan.
Ito ang kinumpirma kahapon ni NBP Director Ricardo Macala.
Ayon kay Macala, binigyan ng permit ng Department Of Justice (DOJ) si Antonio upang dumalo sa burol at libing ng kanyang nakakatandang kapatid.
Sinabi nito na ang DOJ ang may hurisdiksyon sa pag-alis ni Antonio sa NBP at taga-sunod lamang sila sa kautusan ng nabanggit na ahensiya.
Napag-alaman pa sa nasabing opisyal na may tiwala sila na hindi tatakas si Antonio dahil sa mga itinalagang prison guard dito upang magbantay.
Si Antonio ay nakakulong sa Maximum Security ng NBP matapos mahatulan sa pagpatay kay Tuadles ilang taon na ang nakakaraan.
Napag-alaman din na si Antonio ay kasama sa inirekomenda ng NBP sa DOJ upang mabigyan ng parole sa susunod na taon, matapos lumabas ang kautusan ng Supreme Court na mula murder ay bumaba ang kaso nito sa homicide. (Ulat ni Lordeth Bonilla)