^

Metro

Killer ni Tuadles tumakas NBP

-
Disyembre 27 nang umalis ng New Bilibid Prison (NBP) si Ambet Antonio, ang convicted killer ng dating PBA star player na si Arnulfo "Arnie" Tuadles upang dumalo sa burol ng namatay na kapatid sa Quezon City.

Bumalik din ito makalipas ng isang araw at muling umalis noong Disyembre 28 at habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa ito bumabalik sa kanyang kulungan.

Ito ang kinumpirma kahapon ni NBP Director Ricardo Macala.

Ayon kay Macala, binigyan ng permit ng Department Of Justice (DOJ) si Antonio upang dumalo sa burol at libing ng kanyang nakakatandang kapatid.

Sinabi nito na ang DOJ ang may hurisdiksyon sa pag-alis ni Antonio sa NBP at taga-sunod lamang sila sa kautusan ng nabanggit na ahensiya.

Napag-alaman pa sa nasabing opisyal na may tiwala sila na hindi tatakas si Antonio dahil sa mga itinalagang prison guard dito upang magbantay.

Si Antonio ay nakakulong sa Maximum Security ng NBP matapos mahatulan sa pagpatay kay Tuadles ilang taon na ang nakakaraan.

Napag-alaman din na si Antonio ay kasama sa inirekomenda ng NBP sa DOJ upang mabigyan ng parole sa susunod na taon, matapos lumabas ang kautusan ng Supreme Court na mula murder ay bumaba ang kaso nito sa homicide. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AMBET ANTONIO

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIRECTOR RICARDO MACALA

DISYEMBRE

LORDETH BONILLA

MAXIMUM SECURITY

NAPAG

NEW BILIBID PRISON

QUEZON CITY

SI ANTONIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with