PUJ vs PUB, 14 sugatan
December 30, 2001 | 12:00am
Labing-apat na pasahero ang sugatan makaraang tumaob ang sinasakyang pampasaherong jeep nang salpukin ng aircon bus sa EDSA sa Quezon City kahapon ng umaga.
Inoobserbahan sa Quezon City General Hospital ang mga biktimang sina Santiago Basquillo, 50, driver ng jeep, my plakang TVM-788, ng 137 Republic Ave., Brgy. Holy Spirit; Mary Ann dela Rosa; Gerald Estrobo; Perez Leonsia; Leonides Rocha; Racquel de Luna; Liwang at Henry Carillo; Richard Lacmuan; Rudy Suete; Josephine Flores; Manny Hernandez; Ruben Aukuno at Fortunata Manalo.
Nabatid sa Quezon Traffic Sector 4 na dakong alas-7:30 ng umaga nang salpukin ng pampasaherong bus na may plakang TVX-472 ang jeep sa EDSA highway.
Sa lakas ng pagsalpok ng bus ay sumadsad at tumaob ang jeep sa tapat ng Guzent Bldg., Balintawak, QC, na nagresulta sa pagkasugat ng mga biktima.
Pinaghahanap ngayon ang driver ng bus na mabilis na tumakas makaraan ang insidente. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 18, 2024 - 12:00am