^

Metro

Hapon tumalon sa 7th floor, patay

-
Basag ang bungo at nagkalasug-lasog ang katawan ng isang Japanese national matapos umanong tumalon mula sa ika-pitong palapag ng gusali ng inuupahan nitong mansion sa Ermita, Manila kahapon ng madaling-araw.

Namatay noon din ang biktimang si Ken Furuta, tinatayang nasa pagitan ng edad 38-42 at pansamantalang nanunuluyan sa #712 7th Floor Mabini Mansion, ng nasabing lungsod.

Lumalabas sa imbestigasyon ni SPO2 Raul Olivario ng Western Police District-Homicide Section, may hawak ng kaso, dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang makarinig umano ang mga empleyado at residente ng nasabing mansion ng isang malakas at hindi maintindihang sigaw.

Ayon sa mga saksi, nakarinig na lamang sila ng isang malakas na sigaw at kalabog kasunod ng tunog ng nabasag na salamin ng bintana. Agad na naglabasan ang mga residente sa mansion mula sa kanilang mga kuwarto at laking gulat nang makita nilang nakahandusay ang Hapones sa ground floor at duguan.

Napag-alaman na ang biktima ay nag-check-in sa Mabini Mansion noong Dis. 22 at hindi naman umano ito nakitaan ng mga kakaibang kilos hanggang sa maganap ang umano’y pagpapakamatay nito.

Hindi pa umano masyadong malinaw kung ano ang trabaho at pakay ni Furuta sa bansa dahil hanggang sa sinusulat ito ay hindi pa nakukuha ng awtoridad ang passport nito.

Gayunman, nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang mabatid kung may ‘foul play’ sa nasabing insidente na hinihinalang posibleng inihagis din ang dayuhan sanhi ng pagkakabasag ng salamin hanggang sa tuluyang mahulog sa ground floor. (Ulat ni Ellen Fernando)

AYON

BASAG

ELLEN FERNANDO

ERMITA

FLOOR MABINI MANSION

FURUTA

KEN FURUTA

MABINI MANSION

RAUL OLIVARIO

WESTERN POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with