Paslit nag-watusi, pisak sa trak
December 30, 2001 | 12:00am
Isang apat-na-taong gulang na batang babae ang nasawi nang maglaro ito ng watusi sa gitna ng kalsada na naging sanhi ng pagkakasalpok dito ng isang rumaragasang trak kamakalawa ng hapon sa Makati City.
Agad na namatay ang biktimang kinilalang si Angelika Alberina ng 2061 Guatemala St., Brgy. San Isidro, Makati City.
Kusang-loob namang sumuko ang driver ng wrecker truck na may plakang NAR-374 na si Wilson Regino, 42 residente rin ng nabanggit na lugar.
Sa ulat ay nabatid na naglalaro ang biktima ng watusi dakong alas-4:30 ng hapon sa panulukan ng Guatemala at Filmore Sts. nang biglang sumulpot ang killer truck na minamaneho ng kapitbahay din ng biktima.
Sinabi ng suspek na tiwala aniya siyang dumaan sa nasabing kalye dahil nakagawian na niyang dumaan dito gayunman ay nagulat na lamang siya nang maramdaman niyang may kung anong bagay siyang nabangga at nagulungan nang mga oras na iyon.
Lumilitaw na hindi nakita ng suspek ang biktima dahil sa ginagawa nitong pagkikiskis ng watusi sa kalsada at sa sobrang kaliitan nito.
Natawag lamang ang pansin ng suspek nang maghiyawan na ang mga nakakita ng insidente.
Agad namang binaba ng suspek ang biktima at dinala sa Makati Medical Center ngunit patay na ito nang idating. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended