^

Metro

Bodega sa Tondo nasunog

-
Tinatayang may P5 milyong halaga ng mga ari-arian ang napinsala kasama ang 12 Japanese pug-dog at mamahaling isda matapos na masunog ang isang bodega ng asukal sa loob lamang ng 30 minuto kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Nasugatan naman sa insidente ang isang boluntaryong bumbero na nakilalang si Alfred Lo, ng Manila Fire Department (MFD) makaraang mabagsakan ng nagliliyab na kahoy at agad itong isinugod sa Metropolitan Hospital.

Ayon kay Supt. Pablito Cordetan, Fire Marshall, dakong akas-3:55 ng madaling-araw nang magsimulang sumiklab ang sunog sa ikalawang palapag ng bodega ng asukal na pag-aari ng isang negosyanteng Fil-Chinese na si Jose Chua sa panulukan ng Torres Bugallon at Limay Sts, Tondo.

Hinayang na hinayang si Chua sa kanyang 12 aso na nalitson na nagkakahalaga ng P25,000 bawat isa at nasa P20,000 naman ang halaga ng isang Aruana na nasa aquarium.

Idineklara naman ng mga fireman na under control na ang sunog matapos ang kalahating oras.

Inaalam na ng mga arson investigator ang sanhi ng sunog. (Ulat ni Ellen Fernando)

ALFRED LO

ARUANA

ELLEN FERNANDO

FIRE MARSHALL

JOSE CHUA

LIMAY STS

MANILA FIRE DEPARTMENT

METROPOLITAN HOSPITAL

PABLITO CORDETAN

TORRES BUGALLON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with