17-anyos pinilahan ng 3 kaibigan
December 29, 2001 | 12:00am
Masaklap ang inabot ng isang 17-anyos na estudyante matapos na halinhinan umanong ginahasa ng tatlong kabarkadang lalaki kamakalawa ng gabi sa Makati City.
Ang biktima ay itinago sa pangalang Ara, estudyante, ng J.P. Rizal Avenue, Brgy. Guadalupe Viejo, nasabing lungsod.
Samantala, ang mga kabataang suspek ay itinago rin sa mga pangalang Niel, 13, nasa kustodya ngayon ng pulisya, ang kapatid nitong si Christopher, 17, kapwa nakatira sa Brgy. Guadalupe Viejo at Cedric, 15, ng nabanggit na barangay, pawang mga estudyante.
Sina Christopher at Cedric ay tinutugis pa ng pulisya.
Ayon sa reklamo ng biktima kay Insp. Solitaire Montayre, hepe ng Womens and Childrens Desk Unit, Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-8:30 kamakalawa ng gabi sa bahay ng isa nilang barkada sa Camia St., Brgy. Guadalupe Viejo nang magkatuwaan silang magbabarkada na mag-inuman.
Nang pare-parehong malasing, sinamantala naman ng tatlong suspek ang biktima kung saan halinhinan itong pinagsamantalahan.
Matapos maganap ang insidente, binalikan ng katinuan ang biktima at huli na nang malaman niya na siya ay ginahasa ng tatlo niyang kabarkada.
Kaagad na nagsumbong ang dalagita sa magulang nito hanggang ipinagharap ng reklamo sa pulisya ang nabanggit na mga suspek.
Sa kabila nito, itinatanggi ng suspek na si Niel na walang katotohanan ang akusasyon sa kanya ng biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended