^

Metro

2 pulis na nagpaputok ng baril sisibakin

-
Dalawang pulis ang nahaharap sa pagkakasibak sa serbisyo matapos ang mga itong lumabag sa mahigpit na kautusan ni Philippine National Police (PNP) Chief, P/Director General Leandro Mendoza dahilan sa walang habas na pagpapaputok ng baril.

Kaagad na ipinag-utos ni Mendoza ang pagsasailalim sa ‘‘summary dismissal proceedings’’ laban kina SPO4 Pedrito Laut ng PNP-Traffic Management Group (PNP-TMG) at SPO1 Jaime Gimena ng Criminal Investigation and Detection Group Regional Office-7 na nakabase sa Central Visayas.

Ayon kay PNP Spokesman, Chief Supt. Cresencio Maralit ang kautusan ni Mendoza ay bilang bahagi ng pagdidisiplina ng pamunuan ng PNP laban sa kanilang mga tauhan na inirereklamo ng pagkakasangkot sa ‘‘indiscriminate firing."

Si Laut ay naaresto ng mga tauhan ng mobile patrol ng Mandaluyong City Police matapos nitong walang habas na paputukin ang kanyang inisyung cal. 38 caliber revolver ng dalawang beses sa ere sa bisinidad ng Star Mall sa panulukan ng Edsa at Shaw Boulevard kamakailan.

Samantala si Gemma ay inireklamo ng kanyang mga kapitbahay sa Brgy. Gun-og, Lapulapu City matapos itong magpaputok ng baril noong hatinggabi ng pagsalubong sa Kapaskuhan. (Ulat nina Joy Cantos at Danilo Garcia )

CENTRAL VISAYAS

CHIEF SUPT

CRESENCIO MARALIT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP REGIONAL OFFICE

DANILO GARCIA

DIRECTOR GENERAL LEANDRO MENDOZA

JAIME GIMENA

JOY CANTOS

LAPULAPU CITY

MANDALUYONG CITY POLICE

MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with