Pulis-EPD, 2 pang kasama arestado sa shabu
December 27, 2001 | 12:00am
Kalaboso ang inabot ng isang miyembro ng Eastern Police District (EPD) at dalawang sibilyan kabilang ang isang overseas Filipino workers (OFW) makaraang makumpiskahan umano ng shabu sa loob ng kanilang sasakyan kahapon ng tanghali sa Paco, Maynila.
Ang suspek ay kinilalang sina SPO4 Buenvenido Cereno, 45, nakatalaga sa EPD- District Headquarters Support Group at dalawang kasamahan na sina Baby Peñaranda, 42, OFW at Cesar Mendoza, 37, may-asawa, isang tricycle driver at pawang residente ng Maayusin, Quezon City.
Nabatid kay Sr. Insp. Albert Juan, team leader na nakahuli sa mga suspek na habang nagpapatrulya ang mga ito ay napansin nila ang kahina-hinalang kilos ng mga suspek sakay ng isang kotse sa panulukan ng Gen.Luna at Escoda St. sa Paco.
Dahil dito, hinalughog ng mga operatiba ang loob ng sasakyan hanggang sa makita ang ilang pirasong shabu na nakalagay umano sa isang plastic sachet sa ilalim ng upuan.
Napag-alaman sa rekord ng pulisya na si Cereno ay may nakabinbin pa umanong kasong kidnapping, murder at estafa sa La Union. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended