^

Metro

Kawani ng MMC at helper, huling nagtatalik

-
Ipinagharap ng reklamo ng isang doktor ang kanyang helper at isang empleyado ng Makati Medical Center (MMC) matapos mahuli niya sa akto ang dalawa na nagtatalik sa loob mismo ng kanyang klinika kamakailan sa Makati City.

Ang nagharap ng reklamo ay nakilalang si Dr. Alfredo Ferraren, 40, binata, nakatira sa #456 Ipil St., Brgy. Cembo, ng lungsod na ito.

Samantala, ang ipinagharap naman ng reklamo ay nakilalang sina Ronald Santiago, 25, nakatalaga sa Record Section ng MMC at Maggie Tancietco, 28.

Base sa reklamo ni Ferraren kay SPO3 Rely Go ng Makati City Police Complaint Desk, naganap ang unang insidente noong Nobyembre 30, dakong alas-2 ng madaling-araw sa Cembo Maternity Lying-In Clinic na kanyang pag-aari at matatagpuan sa nabanggit na lugar.

Ayon sa doktor, helper niya si Tancietco kaya’t pinalagpas niya ang ginawa nito matapos na humingi ng tawad sa kanya.

Subalit ayon kay Ferraren, nahuli niyang muli sa akto na nagsi-sex sina Santiago at Tancietco na kapwa hubo’t hubad sa loob naman mismo ng kanyang clinic.

Dahil pangalawang beses nang ginawa nina Santiago at Tancietco ang pambababoy sa kanyang clinic, kapwa niya ito inireklamo sa himpilan ng Makati City Police. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

CEMBO MATERNITY LYING-IN CLINIC

DR. ALFREDO FERRAREN

FERRAREN

IPIL ST.

LORDETH BONILLA

MAGGIE TANCIETCO

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MAKATI CITY POLICE COMPLAINT DESK

TANCIETCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with