Misis tumangging makipagbalikan gulpi sarado kay mister
December 27, 2001 | 12:00am
Halos hindi na makilala ang mukha ng isang ginang makaraang gawing "punching bag" ng kanyang mister matapos na tanggihan nito ang inaalay na pakikipagbalikan nang dumalaw ang una sa kanyang napawalay na mga anak sa araw ng Pasko sa Quezon City.
Magang-maga ang mukha at puro pasa ang katawan ng biktimang si Jeanette dela Rosa, 35, at residente ng #15 Batangas St., San Francisco del Monte, Quezon City.
Ayon kay Supt. Cecilio Aguilar, hepe ng CPDO Baler Police Station, dakong alas-7 ng gabi nang maganap ang pambubugbog ng suspect na si Alfredo dela Rosa sa kanyang misis.
Batay sa imbestigasyon, dumalaw ang biktima sa tahanan ng suspect sa #129 Matatag St., UP Village, Brgy. Central ng nasabing lungsod upang bisitahin ang kanilang apat na anak na matagal nang nawalay sa piling ng babae. Sinamantala naman ng mister na kausapin ang biktima at inalok ito na magsama silang muli alang-alang sa Kapaskuhan.
Ngunit tumangging makipagbalikan ang biktima dahil ayaw na nitong maranasang muli ang umanoy pagmamalupit na sinapit sa piling ng suspek.
Hanggang sa nauwi sa mainitang pagtatalo ang pag-uusap ng biktima at suspek at dala umano ng pagkapahiya ng lalaki sa harap ng kanilang mga anak kayat hindi nakapagpigil ito sa galit at walang awa nitong pinagbubugbog ang asawa.
Nahinto lamang sa kasusuntok ang lalaki nang humingi ang mga bata ng saklolo sa kanilang mga kapitbahay.
Sa himpilan ng pulisya ay pormal na nagharap ng kaukulang kaso ang ginang laban sa mister. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest