^

Metro

Usok ng incinerator sa mga ospital: Nakakabobo, nakaka-cancer

-
Mapurol ba ang ulo ng inyong anak o di kaya naman ay may kasambahay kayong biglang nagka-cancer, pero hindi naman ito ang lahi ninyo? Baka naman sakop ang inyong tinitirhan sa 50 meter radius ng incinerator ng isang pagamutan sa inyong pamayanan.

Kamakailan lamang ay iniulat ng Global Alliance for Incinerator Alternative (GAIA), isang international NGO na ang mahabang panahong paggamit ng mga incinerator o makinaryang panunog ng mga biological at medical waste ng mga pagamutan sa maraming maunlad na bansa sa mundo ang isa sa dahilan kung bakit mayroong henerasyon ng tao na dumadanas na higit na mababa ng halos 20 porsiyento sa karaniwang IQ ng mga sinilang malayo sa mga incinerator ng mga pagamutan.

Sinabi ng GAIA na ang mercury emission na kasamang ibinubuga ng incinerator bilang usok ang siyang responsable sa pagkabobo ng isang nilalang na mayroong prolonged exposure sa usok na galing dito.

Ang asoge na nasisinghot ng bata o inang nagdadalang-tao ay humahalo sa oxygenated blood nito na dumadaloy hanggang utak. Naiipon kadalasan sa utak o neural at nervous system ng isang paslit ang mercury kaya pinababagal at pinapahinto nito ang progresong mental na dapat ay aktibong umuunlad kapag ang bata ay nasa 3 hanggang 7 taong gulang.

Iniulat din ng GAIA na ang usok mula sa incinerator ay nagtataglay ng dalawang aktibong cancer causing element at ito ay kilala sa tawag na dioxins at furans. Dahil nga dito ay kinatigan ng World Health Organization ang GAIA sa kampanya nito na ipatigil ang paggamit ng incinerator sa mga pagamutan sa mga umuunlad na bansa tulad ng Pilipinas sa pamamagitan nang pagsasabatas sa Clean Air Act Bill. (Ulat ni Andi Garcia)

ANDI GARCIA

CLEAN AIR ACT BILL

DAHIL

GLOBAL ALLIANCE

INCINERATOR

INCINERATOR ALTERNATIVE

INIULAT

KAMAKAILAN

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with