^

Metro

Miyembro ng "Dugo-dugo gang" arestado

-
Isang 41-anyos na lalaki na umano’y miyembro ng kilabot na ‘Dugo-dugo gang’ ang naaresto matapos itong maaktuhang binibiktima ang isang katulong, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Kinilala ni P/Supt. Dionisio Borromeo, hepe ng Station Investigation and Intelligence Division (SIID), ang suspect na kasalukuyang nakadetine sa Caloocan City jail na si Roberto Santiago, binata, walang trabaho at residente ng Dalandanan, Malanday, Valenzuela City.

Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-7 ng gabi nang maaresto ang suspect sa isang sangay ng Jollibee na matatagpuan sa Rizal Ave. Ext., LRT sa nabanggit na lungsod.

Nabatid na ang pagkakaaresto sa suspect ay matapos na makita ang kahina-hinalang kilos nito dahilan upang subaybayan ito ng mga awtoridad at maaktuhan na kinukuha ang isang bag na naglalaman ng di-mabatid na halaga ng salapi at alahas mula sa isang Annaliza Ogao, 18, dalaga.

Ayon sa pahayag ni Ogao, isang tawag sa telepono ang tinanggap nito mula sa isang di-nakikilalang babae na nagsasabing naaksidente umano ang sinasakyang kotse ng amo nito na nakilalang sina Nonilon at Mayle Malabanan.

Inutusan umano siya ng babae na kunin ang pera at mga alahas ng amo nito na nakatago sa drawer ng mga ito kung saan nang makuha ang lahat ay sinabihan na hihintayin ito ng isang pulis sa nasabing lugar.

Nang dumating ang suspect ay tuluy-tuloy na lumapit sa biktima at hindi nito namalayan ang nakapalibot na pulis at habang kinukuha nito ang bag ay mabilis namang dinakip ng mga awtoridad. (Ulat ni Gemma Amargo)

ANNALIZA OGAO

CALOOCAN CITY

DIONISIO BORROMEO

GEMMA AMARGO

ISANG

MAYLE MALABANAN

RIZAL AVE

ROBERTO SANTIAGO

STATION INVESTIGATION AND INTELLIGENCE DIVISION

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with