^

Metro

Dahil sa kawalan ng pera ngayong Pasko, binata nag-amok

-
Inaresto ng pulisya ang isang 25-anyos na binata makaraang mag-amok dahil sa kawalan umano ng perang panggastos ngayong Pasko at saksakin ang pamangkin ng isang pulis, kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Nakilala ang amok na suspect na si Pedro Amper Jr., ng Plapla cor. Pusit St., Dagat-Dagatan ng nabanggit na lungsod.

Samantala ang biktima ay nakilalang si Dexter Valdez, 22, estudyante, na bagamat nakatakas sa kamay ng suspect ay nagtamo naman ito ng saksak sa kilay.

Base sa imbestigasyon ni SPO2 Antonio Peñaranda, ng Station Investigation and Intelligence Division, dakong alas- 7 ng umaga ng maganap ang pagwawala ng suspect sa naturang lugar.

Base sa salaysay ng biktima, kasalukuyan umano siyang umiigib ng tubig hindi kalayuan sa kanilang bahay nang biglang magkagulo dahilan sa pagwawala ng suspect na lango sa alak at hawak ang isang patalim.

Tinangka umanong awatin ni Valdez ang pagwawala ng suspect subalit hindi siya pinansin nito at bagkus ay iwinasiwas sa kanya ang hawak ng patalim.

Bagamat nakatakbo ay nahagip pa rin sa kilay ang biktima.

Ilang minuto pa ay dumating na ang mga nagrespondeng tauhan ng pulisya na siyang nagpakalma sa suspect.

Inamin ng suspect na kaya lamang niya nagawa ang ganoon ay dahil sa pagkaaburido dahil sa kawalan niya ng pera na gagastusin nilang mag-anak ngayong Pasko. (Ulat ni Gemma Amargo)

ANTONIO PE

BAGAMAT

CALOOCAN CITY

DEXTER VALDEZ

GEMMA AMARGO

PASKO

PEDRO AMPER JR.

PUSIT ST.

STATION INVESTIGATION AND INTELLIGENCE DIVISION

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with