Dahil sa sermon ng ina, adik nagbigti
December 24, 2001 | 12:00am
Dahil sa sermon ng ina, isang binatang sugapa umano sa droga ang nagbigti kamakalawa sa Makati City.
Nasawi noon din ang biktimang si Victor Olarte, 39-anyos, binata, walang hanapbuhay, ng 5315 Harrison St., Brgy. Pio del Pilar, ng nasabing lungsod.
Base sa imbestigasyon ni PO2 Reynaldo Juan, natagpuang nakatali ng lubid ang leeg at nakabitin sa loob ng kanyang kuwarto ang biktima dakong alas-6 kamakalawa ng gabi ng kanilang boarder na si Ace Batuon, 25, isang guwardiya.
Nabatid na sinermunan ang biktima ng kanyang ina dahil sa madalas nitong panghihingi ng pera at kawalang interes na maghanapbuhay at umasa na lamang sa kanya.
Hindi matanggap ng binata ang panenermon sa kanya kayat kinitil nito ang sariling buhay.
Natagpuan sa biktima ang suicide note nito na nagsasaad ng "Paalam, I did my best, but I think my best wasnt good enough, I love you all, I always prayed the best for all of you. Forgive me always been cause of problem in our family, love Boboy". (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended